DAY 1 BLOG
Kanina habang naglalakad akong mag isa sa Victor Hugo.. andame kong nakitang mga Pinoy.. Andameng kwento.. haba ng pila sa padalahan akala ko may sale sa haba ng pila hehehe pero nde po ako nagpadala hehe. may naiyak dahil masungit ang Amo sa tapat ng Franprix.. gustong gusto kong gumawa ng blog about sa mga OFW na nag ttrabaho dto.. na hindi madali ang buhay nila dto.. sari saring trabaho.. sarisaring kwento na hindi alam ng pamilya nila sa pinas.. pag nasa metro ka ang bibilis nilang maglakad.. naghahabol ng oras para sa knilang mga trabaho.. may kumakain sa loob na ng train dahil oras na ng lunch na mqy susunod pang trabaho..
Akala ng mga kamag anak sa pinas madali ang buhay dito pero hindi.. mamahal pa ng bilihin.. isang tinapay 1 euro hehehe.. isang coke 1.50euro.. bago isang meal sa Mcdo 9euro.. tapos may mag mmsg pa na kamag anak.. papabili ng damet.. haru joske.. sa H&M ang pants 24 euro pinakamababa.. maswerte ako nakabili ako ng sale hehe.. tapos sapatos 40euro pataas.. akala nio mura?? Isipin naten.. isang oras kang magttrabaho kikita ka ng 12euro.. pambbili mo ng pagkain mo at iba pilit itatabi pambili ng pasalubong sa mga nasa pinas.. alam mo unh maglalakad ka ng may isang kilometro pinaka maigsing lakarin.. masarap matawag na “NASA PARIS” pero sa likod ng pangalang PARIS ang malungkot at nakakapagod na araw sa kapwa naten PINOY.. na uuweng mag isa sa kwarto.. kakain ng kalahating baguette pantawid gutom may maiuwe lang na pera sa pamilya sa pinas, maswerte ka if may kasama kang pamilya na hindi kayo tapat ng oras ng trabaho para makapag luto ang isa para nde delata or roated chicken or pizza ang kakainin mo pag uwe..